Hindi ko namalayan kung kailan nagsimula
Hindi ko alintana ito'y namuo na pala
Akala ko'y isa lamang bahagi ng gunita
Ngunit ngayo'y heto't umuusbong ng kusa.
Ano ba ang nararapat kong gawin?
pilitin ko may hinid ito kayang sikilin
Wala akong ibang alam kundi ito'y wag pigilin
Hayaang manahan kahit hindi alam ang kahaharapin
Sa'yong mga simpleng ngiti ito'y kumikirot
Kirot na dulot ng tuwa't hindi ng lungkot
Sa'yong mga tingin ito'y naglilikot
Tumatalon sa tuwa, nawawala ang bugnot
Ewan ko ba ngunit tila ikaw na nga
Kahit anong gawin ay wari'y nagagayuma
Tila isang droga na personal kong likha
Isang inumin na sa'ki'y nagpapaligaya
hahayaan ko na lamang itong umusbong,
gugustuhing mamunga ta yumabong
pagkat masapiling mo lang ay sapat na
anu mang sabihin nila, sayo'y wala ng hihigit pa...
Thursday, January 20, 2011
Posted by Darmo at 1:33 AM 0 comments
Hindi ko namalayan kung kailan nagsimula
Hindi ko alintana ito'y namuo na pala
Akala ko'y isa lamang bahagi ng gunita
Ngunit ngayo'y heto't umuusbong ng kusa.
Ano ba ang nararapat kong gawin?
pilitin ko may hinid ito kayang sikilin
Wala akong ibang alam kundi ito'y wag pigilin
Hayaang manahan kahit hindi alam ang kahaharapin
Sa'yong mga simpleng ngiti ito'y kumikirot
Kirot na dulot ng tuwa't hindi ng lungkot
Sa'yong mga tingin ito'y naglilikot
Tumatalon sa tuwa, nawawala ang bugnot
Ewan ko ba ngunit tila ikaw na nga
Kahit anong gawin ay wari'y nagagayuma
Tila isang droga na personal kong likha
Isang inumin na sa'ki'y nagpapaligaya
Ngunit ang mahalin ka ba'y isang pagkakamali?
Isang kasalanang hindi maikuukubli?
Pano kung ito lamang ang nais gawin?
Ang mahalin ka kahit walang anong inaangkin.
Nararapat pa bang ito'y hayaang umusbong?
Hayaang mamunga at yumabong
Kahit ang kapalit nito'y ang pagluha,
Ang umasa at maghintay sa wala.
Posted by Darmo at 1:33 AM 0 comments
Tuesday, December 28, 2010
I Love You... by Darmo Naranjo Timario on Tuesday, December 28, 2010 at 3:06pm
As the sun shines from the sky,
As the wind blows and makes my skin dry
And with your sweet naughty smile,
I can’t help but to feel I’m flying up high
From your stares that I can’t resist
From your touch that I can’t refuse
You make my day complete
You make my heart in a fast beat
Oh, how I wish I can have you,
How I wish you feel the same way too.
For now, I don’t know what to do
I should have hate this feeling but I can’t do.
Oh, please teach me how to avoid you
Make a way to stop me falling for you
Coz I can’t do it on my own to loose you
Coz I love you even I should not to.
(draft) la magawa...
Posted by Darmo at 3:06 PM 0 comments
Sa Lugar Na Iyon by Darmo Naranjo Timario on Tuesday, December 28, 2010 at 2:47pm
Nais kong bumalik sa lugar na iyon,
Ang damhin muli ang saya ng kahapon
Nais kong manumbalik ang tagpong iyon,
Isang madamot na udyok ng pagkakataon.
Sa lugar na iyon ako'y sumaya
Nadama init ng kanyang pagsinta
Nabalot ng kanyang pagkalinga
Isang tagpong nagpakita na di ako nag-iisa
Gusto kong ulitin ang lahat-lahat
Ang muling damhin init ng paglalapat
Sa lugar na iyon ako'y puno ng pag-asa
Sa lugar na iyon na nais muling makita.
Alam kong imposible ang hinahangad ko
Ngunit sa kalagayan ko ngayon, eto lang ang hangad ko
Madamang muli na kami'y iisa
Malamang ako pa ri'y may kasama.
Wala ng hiling kundi ang muling dalhin,
Sa lugar na iyon kung saan walang alalahanin
Nais kong makalimot sa kanyang piling
Dugo sa'king mga kamay kanyang pahirin.
(draft pa lang)
Posted by Darmo at 2:47 PM 0 comments
Tuesday, November 23, 2010
translating time...
tinulungan ako ni lily sa pagtranslate ng sulat ko from english to thai... wow... sana matapos ko na... next plan... draw cartoon characters... sana maging maganda...
Posted by Darmo at 9:54 PM 0 comments
sarap!!!
its my second tym to cook dinner here in maejo... but this time, vegetables naman... hehe... ewan ko nga lang kung anong tawag sa lutong yun.. hehe...
Posted by Darmo at 9:49 PM 0 comments
Saturday, April 3, 2010
nagharang kami ng mga sasakyan for our SK nyt.. ang saya saya.. nakakapagod peo ang sarap sa pakiramdam na ang gagastusin namin sa sk nyt ay mula sa paghihirap namin at hindi sa gobyerno.. yehey!
Posted by Darmo at 1:57 AM 0 comments